MAY ilang daang kabahayan sa Zamboanga City ang binaha Miyerkules ng umaga dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan simula Martes ng gabi.
Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office, umabot sa 10 barangay ang apektado ng pagbaha.
Pinasok ng baha ang 400 kabahayan sa Barangay Sangali habang nasa 300 bahay naman ang apektado sa barangay Bolong, 150 sa barangay Manicahan, 100 sa Bunguiao, 130sa Cabaluay, 240 sa Tumaga, 300 sa Sta. Maria, 40 sa Guiwan, 120 sa Tugbungan at 50 sa Curuan.
Bukod sa baha, may nangyaring landslide rin sa Barangay Curuan, base sa ulat ng CDRRMO.