BUKOD sa mga pagkain, namigay din ang community pantry sa Purok 9, Barangay 76-A sa Davao City ng mga contraceptives gaya ng condoms, pills at lubricants.
Ito ay inorganisa ng LGBT groups na naglalayon ding makatulong sa problema nang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng teenage pregnancies.
Ibinahagi ni Regie Manginsay ng LGBT Davao City Coalition na ang kanilang adbokasiya ay magbibigay din ng kamalayan ukol sa sexually transmitted disease at HIV-Aids.
Samantala humihingi rin sila ng suporta sa PUBLIKO para mapanatili ang community pantry.
Tumatanggap ang community pantry na ito ng mga gamit na plastic bottles na kanilang ibebenta at ibibili para sa mga ipamamahaging mga goods.
Inaabisuhan naman nila ang mga tao na kumuha lamang ng tatlong items para mabigyan din ng pagkakataong makakuha ang iba pang nangangailangan.