Cebu food seller, client bati na


BESTIES na sina Marjorie Abastas at Maria Amy Hofilña, ang mga bida sa viral Cebu food package video.


Naganap ang pagbabati ng dalawa sa hearing sa barangay nitong Miyerkules at sa harap ni chairwoman Lourdes Ramirez.


Mismong si Hofilña ang nag-anunsyo na tinanggap na ni Abastas ang balanse niyang P10,200.


“Amicable settlement nami. Okay na. Dili nata mo file og case. Mao nalang na siya, gidawat na niya ang payment,” ani Hofilña.


Idinagdag ng ginang na hindi na rin niya itutuloy ang plano niyang kasuhan ng cyber libel, unjust vexation, oral defamation, at trespassing si Abastas.


Nag-viral ang video na sinugod ni Abastas ang bahay ni Hofilña dahil tumanggi ang huli na bayaran ang balanse sa inorder nitong pagkain para sa birthday ng anak noong nakaraang buwan.