Bus, trike nagsalpukan; 6 patay, 4 kritikal

ANIM ang nasawi habang apat ang nasugatan matapos magsalpukan ang isang bus at isang tricycle at pagkatapos sa waiting shed sa barangay San Isidro, Lubao, Pampanga, Linggo ng hapon.

Naganap ang aksidente alas-4 ng hapon habang bumabaybay ang Oster Liner mini bus galing ng Balanga City, Bataan at patungong San Fernando City, nang biglang sumalpok sa isang tricycle sa Jose Abad Santos Avenue, barangay San Isidro.

Matapos salpukin ang tricylce, nasalpok din ng bus ang waiting shed at saka sumalpok sa isang poste na malapit sa gasolinahan.

Mabilis na isinugod sa ospital ang 10 katao, anim sa kanila ang idineklarang dead on arrival at ang iba ay nasa kritikal na kondisyon.

Hindi pa matukoy kung ang mga biktima ay pawang mga sakay ng bus.