INUGA ng magnitude 5.0 na lindol ang Bukidnon kaninang alas-5:44 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sinabi ng Phivolcs na naitala ang lindol, na may lalim na tatlong kilometro, pitong kilometro hilaga ng Kalilangan, Bukidnon.
Nailtala ang Intensity V sa Amai Manabilang, Lanao del Sur; Intensity IV sa Kalilangan, Bukidnon; Kapatagan, Malabang, at Wao, Lanao del Sur; Barira, and Matanog, Maguindanao; City of Cotabato; Intensity III sa Damulog, Dangcagan, Don Carlos, Kadingilan, Libona, Maramag, Pangantucan, Quezon, at Talakag, Bukidnon.
Intensity II naman sa Cabanglasan, Lantapan, City of Malaybalay, San Fernando, at City of
Valencia, Bukidnon; at City of Cagayan De Oro at Intensity I sa Malitbog, Bukidnon; at Villanueva, Misamis Oriental.
Ayon sa Phivolcs, inaasahan ang pinsala at mga aftershocks dulot ng lindol.