Brgy. chair, ex-brgy. treasurer huli sa resort

SINAMPAHAN ng kasong adultery ang barangay chairman at dating barangay treasurer na nahuling magkasama sa isang resort sa Bulan, Sorsogon nitong Huwebes.


Hindi man nahuling nagtatalik sa loob ng silid ang mga suspek ay desidido ang asawa ng brgy. treasurer na tuluyan ang umano’y magkalaguyo.


Ayon sa ulat, sinundan ng mister ng brgy. treasurer ang misis at si chairman nang magtungo ang mga ito sa resort alas-8 ng gabi.


Nang masiguro na sa isang silid lang pumasok ang dalawa ay humingi ng tulong ang lalaki sa mga pulis.
Nahirapan namang buksan ng mga otoridad ang pinto ng kuwarto kung saan nag-check in ang dalawa kaya hindi nahuli sa akto ang mga ito.


“Gusto sana talaga i-surprise ‘yung dalawa kaya lang nahirapan na sirain o buksan ‘yung pinto. So, hindi talaga natin malalaman kung ano talaga ginagawa ng dalawa nung time na kinakatok at pilit na binubuksan na ‘yung pinto,” ayon sa pulisya.


Kapwa may mga anak ang chairman at treasurer.