‘Bato’ isinubo ng user, nabulunan, diretso kulungan

ARESTADO ang tricycle driver mula sa Calasiao, Pangasinan makaraang mabisto ng mga pulis ang nilulon na sachet ng shabu nang ito ay mabulunan.

Ayon sa ulat, naispatan ng mga rumorondang pulis ang suspek, 25, residente ng Brgy. Lasip, na nakasuot ng sumbrero ng Philippine National Police.

Nilapitan nila ang lalaki at kinausap dahil abag sa batas ang di-otorisadong pagsusuot ng uniporme ng kapulisan.

Nagtaka naman ang mga alagad ng batas dahil hindi sumasagot ang suspek.

Maya-maya ay nabilaukan ang suspek at iniluwa ang sachet ng hinihinalang shabu.

Idiniretso ang suspek sa presinto.