INIIMBESTIGAHAN na ng pulisya ang lalaki na ginawang pantakip ng kotse ang bandila ng Pilipinas sa Mandurriao, Iloilo City.
Ayon sa imbestigador, hindi alam ng amo ng lalaki, 25, na watawat ang ginamit ng kanyang tauhan nang utusan niya ito na takpan ang kotse.
Inamin naman ng tauhan na hindi niya alam na bawal gamitin ang bandera.
Sa ilalim ng Republic Act No. 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines, bawal gamitin ang watawat bilang palamuti o pantakip sa kahit anong parte ng mga sasakyan.