Bagets natuhog ng bakal, patay

NASAWI ang batang lalaki nang mahulog sa construction site at matuhog ng mga bakal sa Misamis Oriental kamakailan.


Hindi naman kinilala ang biktima, 12, residente ng El Salvador, na naitakbo pa sa ospital pero hindi na naisalba ng mga manggagamot.


Ayon sa ulat, hinahabol ng bata ang manok na lumipad sa likod ng kanilang bahay nang mahulog ito sa hukay na may mga nakausling bakal.


Napag-alaman na sa kasalukuyan ay may itinatayong bahay sa lugar.


Hindi na umano magdedemanda ang pamilya ng biktima makaraang kausapin ng kontraktor.