UMABOT sa ilang bahagi ng Legazpi City ang abo na resulta ng phreatic eruption ng Mount Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon nitong Linggo ng umaga.
Ani Miladee Azur, pinuno ng city disaster risk reduction and management office, light to moderate ashfall ang naobserbahan sa mga barangay ng Cagbacong, Buenavista, San Francisco, Bariis, Banquerohan, at Imalnod.
“All residents are advised to stay indoors and wear masks,” ani Azur.
Nabalutan din ng abo ang mga bayan ng Juban, Casiguran, Magallanes, Pilar, Bulusan, at Sorsogon City.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nagkaroon muli ng phreatic eruption ang Bulusan alas-3:37 ng umaga ng Linggo na tumagal ng 18 minuto.