Artist na si Bree Jonson natagpuang patay; anak ng bilyonaryo arestado

WALA nang buhay nang matagpuan ang painter na si Bree Jonson sa hostel sa La Union na tinutuluyan nila ng anak ng bilyonaryong si Roberto Ongpin nitong Sabado.

Ayon sa ulat, humingi ng tulong sa staff ng Flotsam and Jetsam resort si Julian Roberto Ongpin dahil hindi na umano humihinga si Jonson sa banyo.

Sinabi pa ni Ongpin na nag-suicide umano si Jonson.

Agad namang rumesponde ang mga pulis at isinugod sa ospital ang biktima. Dead on arrival ito.

Dinakip naman si Ongpin nang matagpuan ang cocaine sa loob ng silid. Kakasuhan siya ng drug possession.

Inaalam pa ang ikinamatay ng biktima.

Nag-check-in ang dalawa Biyernes ng gabi. Lumabas sila hatinggabi at bumalik makaraan ang tatlong oras. Iyon ang huling beses na nakitang buhay ang biktima.

Si Jonson, 30, ay graduate ng Ateneo de Davao University.