INUGA ng magnitude 4.1 lindol ang Abra kaninang alas-5 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naitala ang lindol, na may lalim na pitong kilometro, 18 kilometro hilaga ng Tineg, Abra.
Naitala ang Intensity V sa Tineg, Abra; Intensity IV – Lacub, Lagangilang, at Lagayan, Abra; habang Intensity III naman sa Nueva Era, Ilocos Norte; at Danglas, Abra.
Samantala, naitala rin ang Instrumental Intensity II sa Solsona, Ilocos Norte at Intensity I – Pasuquin, Laoag City, and Batac, Ilocos Norte; at Bangued, Abra.
Wala namang inaasahang pinsala at aftershock sa nangyaring pagyanig.
Matatandaan na noong nakaraang buwan, niyanig din ang lalawigan ng malakas na 6.4 magnitude na lindol na ikinasira ng maraming imprastraktura.