Abogado patay sa Cebu City ambush

DEAD on the spot ang abogadong si Rex Fernandez matapos itong tambangan ng hindi pa nakikilalang suspek Huwebes ng hapon sa Cebu City.

Naganap ang pagpaslang sa Good Shepherd, barangay Banawa.

As of posting time, patuloy pa ring iniimbestigahan ang insidente.

Ayon sa report ng Aninaw Productions, isang alternative media na nakabase sa Cebu City, si Fernandez ay isa sa mga abogado ng tinatawag na “Cebu 8”, mga protester at bystander na inaresto sa gitna ng protesta laban sa Anti-terror bill noong June 5, 2020.