UMABOT sa 61,869 indibidwal o 18,549 pamilya ang apektado ng magnitude 6.4 na lindol nitong Martes ng gabi, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Samantala, umabot na sa 1,813 kabahayan ang nakaranas ng pinsala samantalang walo ang totally damaged.
Idinagdag ng DSWD na sa kasalukuyan, 22 pamilya o 76 katao ang nsa loob ng mga evacuation center, habang 161 o 327 katao ang nanunuluyan sa kanilang mga kamag-anak.
Umabot naman sa P196,9888 ang tulong na ibinigay ng kagawaran.