51-anyos nagpatuli, binigyan ng 2 sakong bigas

DALAWANG sako ng bigas ang insentibo sa pinakamatandang lalaki na lumahok sa proyektong libreng tuli sa Koronadal City, South Cotabato.

Kinumbinse ng lalaki, may asasa’t mga anak, ang mga kagaya niyang hindi pa nase-circumcise na huwag mahiya o matakot sa operasyon.

Ayon sa lalaki, hindi siya nakapagpatuli noong bata dahil lubha siyang natakot sa mga kuwento-kuwento ng mga matatanda.

Hanggang magkaedad ay nawala na rin sa plano niya ito.

Aniya, tanging ang asawa lang niya ang nakaalam ng sikreto.

Nabulgar ang kanyang lihim noong isang taon nang hinubaran siya ng mga kainuman.

Sa sobrang kahihiyan ay napagdesisyunan niyang dumaan sa proseso kapag mayroong magsasagawa ng libreng tuli sa kanilang lugar.