NADISKUBRE ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ang 466,142 sako ng asukal sa isang warehouse na pag-aari ng isang milling company sa Cagayan de Oro.
Sinabi ni Press Secretary Trixie Angeles nadiskubre ang mga pinaghihinalaang hinohoard na asukal sa tatlong warehouse ng Crystal Sugar Milling Inc. na matatagpuan sa North Poblacion, Cagayan de Oro City.
“Isinagawa ang operasyon base na rin sa intelligence report na nagsasabing ang may-ari nito ay sangkot sa malawakang hoarding ng mga supply ng asukal,” sabi ni Angeles.
Nauna nang nakakumpiska ang mga otoridad ng 44,000 sako ng pinaghihinalaang smuggled na asukal na nagkakahalaga ng P220 million mula sa mga bodega sa Pampanga at Bulacan.