4 sakay ng motorsiklo niratrat, tepok

NASAWI ang batang babae at tatlo niyang kapamilya nang paulanan ng bala sa Zamboanga City nitong Huwebes.


Pawang dead on the spot ang mga biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan, ayon sa pulisya.


Lumabas sa imbestigasyon na sakay ng motorsiklo ang magkakapamilya nang niratrat ng mga suspek sa Brgy. Tugbungan.


Pauwi na ang pamilya matapos bisitahin ang kanilang bagong bili na lupa nang maganap ang pagpatay.
Inaalam na ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa pamamaslang.