383 lindol naitala sa Taal Volcano

HALOS 400 pagyanig ang naitala sa Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).


Sa bulletin, sinabi ng Phivolcs na sa kabuuang bilang ng pagyanig, 283 dito ay volcanic tremor na tumagal nang isa hanggang 12 minuto habang ang natitira pang 143 lindol ay low-frequency lamang.


Natukoy rin ng Phivolcs ang isang low-level background tremor na nagsimula noong umaga ng Huwebes.
“Upwelling of hot volcanic fluids in the Main Crater lake occurred yesterday morning and generated 300 m-tall steam-laden plumes from active fumaroles on the northern side,” ayon sa ahensya.


Noong Lunes, umabot sa 1,886 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.


“Ground deformation parameters from electronic tilt, continuous GPS and InSAR monitoring continue to record a very slow and steady inflation and expansion of the Taal region that began after the January 2020 eruption. These parameters indicate persistent magmatic activity at shallow depths beneath the edifice,” dagdag nito.


Kasalukuyang nasa ilalim ng Alert Level 2 ang paligid ng bulkan kaya ipinagbabawal pa ring pumunta sa Taal Volcano Island o lumagpas sa Permanent Danger Zone.