3 tulak nanlaban, dedbol



PATAY ang tatlong umano’y tulak ng droga makaraang makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa Brgy. Taptap, Talisay City, Cebu nitong Huwebes.


Ayon sa mga otoridad, mga notoryus na drug pusher sa siyudad ang mga suspek.


Nakuha sa tatlo ang 10 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P68 milyon.


Ayon sa ulat, nakatunog si Lihbon Bargayo na pulis ang kanilang katransaksyon kaya bumunot ito ng baril at pinaputukan ang poseur-buyer bago tumakas kasama sina Christopher Lim at Boyet Rama sakay ng kotse.


Agad naman silang nakorner ng mga alagad ng batas na nagresulta sa palitan ng putok.


Sinabi ng pulisya na matagal na nilang minanmanan ang grupo.


Maliban sa droga, nakuha rin sa tatlo ang tatlong baril.