3 sinalvage sa sementeryo


WALA nang buhay nang matagpuan ang dalawang lalaki at isang babae sa sementeryo sa Calubian, Leyte nitong Martes ng umaga.


Ayon sa pulis, may mga tama ng bala sa katawan at ginilitan ang mga hindi pa nakikilalang biktima.


Nakagapos ang mga kamay ng dalawang lalaki habang may mga saksak din sa katawan ang babae.


Katabi ng mga bangkay ang isang motorsiklo.


Inilarawan ang tatlo na nasa pagitan ng 25 hanggang 35 anyos.


Naispatan ang mga bangkay ng mga residente kaya agad tumawag ang mga ito sa otoridad.


Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga biktima at motibo sa pamamaslang.