3 bata sumasagot ng module, nasagasaan, patay

NASAWI ang tatlong batang babae nang mabangga ng 10-wheeler truck sa Placer, Masbate nitong Linggo.


Ayon sa ulat, nag-aaral sa gilid ng kalsada ang mga biktima, may edad 10-16 at mga residente ng Brgy. Matagangtang, nang salpukin sila ng truck na nawalan umano ng preno alas-3 ng hapon.


Wasak din ang motorsiklo at tricycle na nakaparada sa kalye nang daanan ng humagagibis na truck.


Agad namang nadakip ang driver na si Jomar Tanael, 30. Nahaharap siya sa patong-patong na kaso.