NAMATAY ang 27 kabayo sa Baguio City na tinamaan ng viral disease na tinatawag na swamp fever noong Marso at Abril.
Sinabi ni city veterinarian Brigitte Piok na umabot sa 58 kabayo sa siyudad ang nagpositibo sa swamp fever o Equine Infectious Anemia (EIA).
Walang gamot sa EIA, na may mga sintomas na pamamayat, pagdurugo, at pamamanas sa binti at dibdib.
Naisasalin ang sakit sa pamamagitan ng dugo ng horse flies.
Para hindi kumalat ang sakit, kina-quarantine o pinapatay ang kabayong dinapuan nito.
Hindi naman ito naisasalin sa tao, dagdag ni Piok.