ISINUGOD sa ospital ang 26 katao na dumalo sa religious gathering sa Cebu City makaraan umanong malason sa kinain na humba noong Linggo.
Ayon sa ulat, kabilang ang mga biktima sa mga performers sa Pentecost Celebration na ginanap sa International Eucharistic Congress Convention Center.
Sinabi ni Msgr. Joseph Tan, tagapagsalita ng Archdiocese of Cebu, sumakit ang tiyan at nahilo ang mga biktima ilang oras matapos kumain ng tanghalian.
“Mostly nagsuka-suka ang symptom, so they were treated against dehydration,” dagdag ni Tan.
Hanggang ngayong ay minomonitor ng mga otoridad ang lagay ng mga biktima.
“The Archdiocese through the Commission on the Laity is continually monitoring the situation. The Archdiocese of Cebu will continue to provide news updates as needed,” ani Tan.