2 pulis na suspek sa rape- slay ng dalagita sumuko

SUMURENDER sa otoridad ang dalawang pulis na itinuturong gumahasa at pumatay sa dalagita sa Ilocos Sur noong isang buwan.


Ayon sa Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG), sumuko sina SSgts. Randy Ramos, 37, at Marawi Torda, 34, sa San Juan Municipal Police Station nitong Miyerkules.


Nahaharap ang dalawa sa kasong murder at acts of lasciviousness habang inasunto rin ng rape si Ramos.


Nag-ugat ang krimen noong Hunyo 28 nang dakpin ng pulisya ang biktima, 15 at pinsan nito, 18, dahil sa paglabag sa curfew.


Pinagsamantalahan umano ng mga suspek ang mga biktima, na kapwa lasing, pero nakatakas ang mga ito.


Nagsampa ang mga biktima ng reklamong acts of lasciviousness laban kay Torda at rape laban kay Ramos noong Hunyo 28.


Binaril at napatay ng riding-in-tandem ang 15-anyos na biktima sa Cabugao habang pina-follow up ang reklamo.