2 Chinese vessel sumadsad sa Ilocos Norte dahil kay ‘Marce’

DALAWANG Chinese vessel ang sumadsad sa baybayin ng Currimao sa Ilocos Norte ngayong Biyernes dala nang malakas na hambalos ng alon at hangin dulot ng bgayong Marce.

Tinitingnan na ngayon ng mga otoridad kung may oil leaks na nagmumula sa mga sumadsad na barko na MV Aries 1 at LCT PanPhil 8.

Pawang mga Filipino crew ang nagmimintina ng dalawang Chinese vessel, ayon kay Lt. Joseph Christian Sagun, station commander Philippine Coast Guard Ilocos Norte, said panayam nito sa Philppine News Agency.

Limang buwan na umanong nasa Currimao port ang MV Aries 1 na may limang crew habang nitong nakaraang linggo lang dumaong dito ang LCT PanPhil8 na may 15 crew members.

“They are docked at the Currimao port while waiting for the processing of their certificates for conversion as domestic trader from MARINA (Maritime Industry Authority),” ayon sa opisyal.

Ayon pa kay Sagun sinubukan pang ilipat ng MV Aries 1 ang kanilang posisyon ala-1:30 ng madaling araw ngunit bumigay ang makina nito dahilan para anurin ito ng hangin at alon sa shoreline ng Barangay Victoria.

Nahila naman ang anchor ng LCT PanPhil dahil rin sa lakas ng alon at hanging kung kayat sumadsad ito sa Barangay Gaang shoreline.