SUMIKLAB ang malawakang forest fire sa dalawang barangay sa Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya noong Martes.
Nahirapan umano ang Bureau of Fire Protection (BFP) na apulahain ang apoy kaya nanghingi ito ng tulong mula sa ibang mga sangay ng kawanihan.
Ayon sa mga pamatay-sunog, nahirapan silang maaapula ang apoy dahil mahangin sa lugar at karamihan sa mga puno at damong nasunog ay tuyo na dahil sa init ng panahon.
Sinabi ni Rodrigo Sanchez, residente ng Brgy. Muggia, na nag-umpisa ang sunog pasado alas-9 ng umaga.
Dagdag ni Sanchez, naapula ang apoy ngunit bandang alas-2 ng hapon ay muli itong sumiklab.
Inaalam pa ng mga imbestigador ang dahilan ng sunog.