2-anyos nahulog sa balon, sawi



NAMATAY ang dalawang-taong-gulang na bata nang mahulog sa balon sa Mariveles, Bataan.


Muntik ding masawi ang ama ng bata nang tangkain niyang sagipin ang anak mula sa 20-talampakan lalim na balon
Ayon sa ulat, nagkukumpuni ng kanal ang ama sa Brgy. Alas-Asin nang mahulog ang anak sa lumang balon.


Bumaba ng balon ang ama para isalba ang anak pero maging siya ay nawalan ng malay dahil sa init at kawalan ng hangin.


Isang oras bago nakuha ng mga rescuers ang mag-ama.