NAILIGTAS ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang 2-anyos na batang lalaki matapos maiwanan ito sa loob ng sasakyan sa Tagum City, Davao del Norte.
Sa Facebook post ng BFP Sru XI DavNor, naiwan ng drayber ang susi sa loob ng pickup habang naroroon sa loob ang bata.
Hindi inakala ng drayber na maila-lock ito ng bata nang saglit niya itong iwan at magtungo sa Provincial Veterinary Office.
Nang bumalik ay hindi na mabuksan ang sasakyan at nakulong na ang bata. Dali-dali namang humingi ang drayber ng saklolo.
Mabuti na lamang ay matagumpay na nabuksan ng taga-BFP ang bintana at tuluyang nabuksan ang pinto upang mailabas ang bata. Nasa ligtas na kalagayan na ang bata.
Paalala ng BFP: “Note: Please do not leave your child/children without a guardian inside your
vehicle or rather do not bring them with you if it’s not that important. In this time of pandemic, we encourage to please let your children stay inside your home. God bless us all. Stay safe.”