NAMATAY ang isang 11-taong-gulang na batang lalaki makaraang lapain ng isang asong-ulol sa Matalam, Cotabato kamakailan.
Agad namang inilibing ang bata, residente ng Brgy. Taguranao, upang mapigilan umano ang rabies epidemic sa lugar, ayon sa otoridad.
Napag-alaman na bumibili lang sa tindahan ang paslit nang kagatin ng aso.
Dinala ang bata sa ospital makaraang magpakita ng sintomas ng rabies pero hindi na ito naisalba ng mga doktor.
Kasalukuyang minomonitor na ng mga otoridad ang mga kapamilya ng bata upang mapigilan ang pagkalat ng virus.
Sinisimulan na rin ang pagbibigay ng anti-rabies vaccine sa mga ito.
Nagbigay naman ng tulong sina Vice Mayor Ralph Ryan Rafael at Gov. Emmylou Taliño-Mendoza sa pamilya ng nasawi.