PARA mapabilis ang anumang sakaling ayuda na maaring maibigay at makuha mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), siguraduhin na mayroong isa o dalawang government recognized ID.
Ang DSWD ang nagdedesisyun (hindi ibang tao, hindi rin ang claimant) kung qualified nga na makatatanggap o hindi ang isang claimant o prospective beneficiary ng mga ayuda at cash assistance ang mga mahihirap nating mga kababayan.
Para mapabilis sa bahagi ng mga DSWD personnel ang pagdedesisyon, kailangang may nakahanda na latest o recent ID upang hindi na mahirapan ang mga kawani ng departamento sa pagberipika, assessment at pamamahagi ng ayuda.
Napakaraming mga ayuda at mga benepisyo ang DSWD under the leadership of Secretary Erwin Tulfo and the Marcos administration.
Ang instruction ng Pangulong Marcos ay hangga’t maari ay walang maiiwan na mga kababayan lalo na ang mga mahihirap.
May pagkakataon kasi na bumabagal ang payout o distribution ng mga tulong mula sa DSWD dahil walang mga ID ang ilan sa mga claimant o beneficiary. Napakahalaga ng mga legit government ID dahil isa ito sa mga pamamaraan o patunay na walang ghost claimant.
Matindi kasi ang mga kaukulang parusa sa mga kawani ng gobyerno particular ang kawani ng DSWD kapag napatunayan na nandaya o kaya naman ay may kinikilingan sa pamimigay ng tulong ng gobyerno.
Sa sobrang pag-iingat at verification o assessment process ng mga kawani, may pagkakataong bumabagal ang proseso at minsan ay naantala ang takbo nito kung kaya nganga at unsyami ang iba.
Bukod kasi sa verification ng mga identity, kailangan din na mabilis at mas marami ang makinabang na mga mahihirap.
Mayroon din kasing mga individual na nais dayain ang mga kawani ng DSWD at kahit hindi sila dapat makakuha ay pinipilit na makalusot.
Mayroon din na mga individual na matapos makakuha ng isang ayuda ginagawan ng paraan. o mga palusot para makakuha ng iba pang ayuda.