Tips para magamit nang maayos ang 13th month pay

HALOS lahat ng empleyado’s manggagawa ay sabik na matanggap ang kanilang 13th month pay, at kung ano-ano pang year-end bonus at incentives na ibibigay ng kumpanyang pinapasukan.

Ngunit bago pa mangati ang inyong mga kamay sa paggastos nito, hayaan nyong bigyan ko kayo ng dagdag tips para sa mas makabuluhang paggagamitan ng ating extrang money:

1. Bayaran ang utang

If kayang bayaran nang buo ang utang, gawin na! Mapa-lending company man ito or credit card, or sa iyong kaibigan na matagal ka nang sinisingil, ‘wag nang mag-atubiling magbayad. Gusto mong magsimula nang maayos na bagong taon, now is the best time. 

2. I-renew ang mga legal documents

Pagkakataon mo na ring i-renew ang mga dokumentong legal mo gaya ng passport, NBI, at iba pang legal documents na pwedeng i-request sa Philippine Statistics Authority. Kung balak mo magtrabaho abroad next year, eto na yun!

3. Planuhin ang ihahanda, mag-budget!

Magluluto, magpapaluto or bibili na lang sa mga sikat na restaurant or fast food chains? Intimate sit down dinner lang ba ang plano or bongga? Dapat alam mo na rin ito, lalo na tumataas na ang halaga ng mga handang pang-Noche Buena. 

4. Pamasko sa mga inaanak

Regalo ba o cash ang iaabot sa yung mga inaanak? Isipin mo na may napasaya ka ngang mga bata, pero iiyak naman ang iyong bulsa. Wala naman pipigil sa iyo na gawin ito basta ba hindi apektado ang financial situation mo. 

5. Mag-invest at least 20 percent ng iyong 13th month pay. 

Mag-open ka ng bank account, or mag-invest sa stocks na offered ng mga banko. Pwede rin kumuha ng funeral plan, life insurance plan o health card. Isipin mo ang long term benefits ng mga ito. 

Hopefully makakatulong yan sa pagmumuni-muni mo pagkatapos mong makita ang laman ng ATM mo. So, hold that money first, at isiping mabuti kung saan mapupunta ang pera mo. 

Merry ang Christmas nila, sana ikaw rin! Till our next column. 


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]