Tips: Mga dapat lamanin ng iyong resumé

BILANG isang recruiter, marami na akong nakitang iba’t ibang klase ng resumé na isinusumite ng mg aplikante pag sila ay nag-aaplay ng trabaho sa abroad.

Ngunit ang laging naitatanong ng bawat aplikante, ano ba ang dapat ilagay sa iyong resumé? Alin ba ang mas mainam, yung maikli lang o yung mahaba at saksakan ng dami ng laman?

Lagi natin tatandaan na ang resumé ay parang isang paraan upang i-showcase sa kauna-unahang pagkakataon ang iyong sarili bilang patunay na ikaw ay nararapat sa iyong inaaplayan, abroad man o hindi.

Ano ba ang dapat ilalagay sa resume? Narito ang ilang tips na pwedeng makatulong sa iyo. Ito rin ang ibinibigay kong mga impormasyon sa mga apliikanteng nakakausap ko sa opisina at sa mga job fairs:

  • First part

Legitimate name, complete address, tamang mobile number at email address. Pwede mo rin ilagay ang iyong professional social media account gaya ng LinkedIn kung ikaw ay isang professional or technically skilled applicant.

  • Second part

Maikling summary of your years of experience sa posisyon na inaaplayan. For example, kung ang aaaplayan mo ay sales, ang iyong “pitch” ay mostly figures – qouta, sales strategies, summary of your successful closing of sales.

If technical or skilled, ang mga skills na masasabi mong nakakatulong sa iyong trabaho. Gone are the days na nakalagay ay “flexible” “willing to be trained” or whatever common adjectives na plano mong ilagay.

  • Third part

Work history. Ilagay ang position, company name, dates kung kailan ka nag-join at natapos ng iyong serbisyo. Ilagay din dapat ang iyong naging trabaho – duties at responsibilities ikanga. Make sure lang na wag mangopya ng job description mula sa mga google posts.

  • Fourth part

Skills related sa iyong trabaho. Soft skills and hard skills ikanga. Soft skills ay paano ka mag-aadjust sa trabaho – ugali, creative thinking, paano mag-handle ng stress, i-manage ang trabaho at paano makisama sa isang team or sa mga magiging kasama sa trabaho.

  • Fifth part

Educational credentials, trainings related sa trabaho mo at possible training skills na magagamit mo sa future.

  • Sixth part


Professional references – particularly last supervisor, co-worker who knows your qualities at work, at a friend you can rely on.

Lastly, ang maibibigay ko na tip: it is not about the lay-out sometimes, kung ang kailangan mong i-showcase ay ang iyong professional work at achievements, an organized, descriptive resume will do. Kung ikaw ay applying for a creative post, maliban sa iyong resume ay gumawa ng portfolio ng iyong work. Kung ikaw ay isang chef or cook, idescribe mo ang mga cuisine na kaya mong iluto, tools na ginagamit, etc.

Sana makatulong ito sa pagprepare sa iyong first journey sa job hunting, locally or abroad.

Sa susunod, ipapaliwanag ko rin kung bakit kailangan detalyado rin ang iyong resume para sa pag-apply para sa mga embassies.

Sa sunod na article ulit.