KUNG nabasa ninyo ang part 1 ng series na ito, marahil ay alam na ninyo ang mga dahilan kung bakit hindi nakakapasa sa medical examination ang isang aplikante para sa trabaho abroad.
Ngayon narito ang part 2 na siya namang sasagot sa inyo pang mga katanungan kung bakit nga ba hindi nakakapasa ang isang aplikante dahil sa kanyang medical.
Mataas na uric Acid
Kapag mataas ito, kadalasan ay nagrerekomenda ang isang duktor na mag-undergo muna ng isang treatment ang isang tao dahil hindi biro ang pagkakaroon nito. Kung ito man ay tumubo lalo na sa iyong mga big toes, ay hindi ito nakakapagdulot ng maayos na pagtayo at paglalakad, lalo na kung ikaw ay nasa isang trabaho na pisikal.
Paggamit ng ipinagbabawal na droga
Nakikita ito sa ihi ng isang indibidual. May mas matinding test pang ginagawa para malaman kung ikaw nga ba ay gumagamit ng droga. Kaya kung gusto mong magtrabaho sa ibang bansa, tiyakin na malinis ka. Ang agpapa-drug test ay requirement para sa isang medical exam abroad.
Skin disease at allergy – may mga na-encounter ako bilang isang recruiter na tumatagal ang rekomendasyon ng pagpi-fit to work ng isang tao dahil sa ito ay may tinea flava, or an-an, or allergy na hindi matuyu-tuyo sa simpleng medication.
Ngipin at bibig – napakasimple lang ngunit ito rin ay kasama sa pagpapamedical ng isang aplikante. Hindi biro sapagkat kung ikaw ay may diprensya sa ngipin, at nasa isa kang trabaho na madalas ay nagsasalita ka, may mga sakit na nagdudulot ng discomfort or di kaya hindi kaaya-ayang sitwasyon sa isang tao. Tama ka, halitosis ay isang sakit na kailanga ng isang medication. Sa ngipin naman, kailangan din na mapaayos mo ito lalo na kung ikaw ay may mga bulok na ngipin na. Isipin mo, mahal magpa-dentis sa labas ng bansa.
Marami pa rin mga medical results na maaring makakadulot ng inconvenience, or worse ay ang pag hindi mo pagtuloy sa trabaho abroad. Kaya hopefully nakakatulong ang artikulo na ito. Hanggang sa muli!