SA halos 20 years kong pagtatrabaho bilang isang recruiter, marami na rin akong nakasalamuhang aplikante na tila puro pagbabakasakali sa swerte lang ang ginagawang pag-a-aplay ng trabaho sa abroad.
Ibig sabihin, lahat ay inaasa sa swerte at walang ginawang paghahanda.
Totoo naman na may kaakibat na swerte kung ikaw ay mag-aaplay hanggang sa ikaw ay ma-hire at mabigyang ng job offer galing sa mga foreign principals or employers.
Ngunit tatandaan, hindi pwedeng puro lang swerte ang main ingredient sa pag-a-aplay sa abroad. Dapat merong eksaktong edukasyon, experience at kakayahan. Dapat may paghahanda!
Sa panahon ngayon, ang mga magagaling na employers ay hindi lang kumukuha ng mga Pinoy na aplikante para i-train at makapagtrabaho sa kanilang kumpanya abroad, lalo na kung ang gagamitin ay work permit application. Sa katunayan, sa loob nang matagal kong experience sa recruitment, palaging dahilan halos ng lahat ay “nagbabakasakali lang”.
Tip lang na maisi-share ko sa inyo, nang sa gayon ay hindi sa “baka sakali” mapunta ang lahat.
May natanggap kang imbitasyon para sa iyong interview? Heto ang tip na sana ay makakatulong sa iyo:
1. Kung manggagaling sa malayong lugar, kailangan i-ready ang lahat mula sa pamasahe, budget sa pagkain.
2. Dokumento – kung ano ang nakalista sa requirements sundin mo ito. Hindi pwedeng makiusap para ia-accommodate ka. Nagpapakita ito na hindi ka seryoso sa pagdating sa interview. Your mere presence does not mean you are serious.
3. Appearance – dapat maayos kang manamit. ‘Ikanga, you need to dress for the success. Putting your best foot forward.
4. Be ready for anything – nainterview ka, at may need pang gawin na isa pang step within the day? Or pagkatapos ng interview na-reject ka agad? We usually project ourselves na maging positive simulan ang situation para maging positive ang result, pero we have to be realistic – kung qualified ka, then good! Kapag hindi, evaluate the reason why and perhaps ask the recruiter what you need to improve. May mga recruiters that they volunteer information to help you out – mayroon naman na hindi sasabihin lalo na mga delicate details na dapat lang kumpanya lang ang nakakaalam.
Ang paghahanap ng trabaho ay hindi “baka sakaling pwede” or “swertihan”. Ikanga, parang sa giyera, dapat handa ka sa maaring mangyari sa iyo. Kaya, hopefully makakatulong sa inyo to. Happy job hunting!
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]