Do not burn bridges: Paalala sa aplikante sa lokal at abroad na trabaho

NAKAPANAYAM ko ang isang reputable aviation vlogger na si Mond Ortiz (Facebook @Mond Ortiz) about hiring of cabin crew.

Napag-usapan namin ang ilan sa mga aplikanteng sa kasamaang palad ay sariling interest lang ang pinapakita para makamit ang kanilang pangarap na lumipad patungong abroad as flight attendants.

‘Ikanga, maraming mga umalis sa aming isang kliyenteng international airline ang hindi man lang nagpaalam or nag-exit ng maayos sa kanilang mga employer, bagkus ay mga nagsipag-AWOL ang mga ito.

During the past few weeks na mayroon din kaming recruitment para sa isang aviation employer, marami ring aplikante ang nagsasabing “pwede ako mag-resign bukas” para lang mai-line up sa trabaho. Sadyang nadidismaya dahil wala silang respeto sa kanilang current employers!

Heto ang mga listahan bilang paalala sa mga nag-aapply ng trabaho habang ikaw ay connected pa sa isang kumpanya:

1. Basahin muli ang inyong company policy pagdating sa resignation.

Depende sa iyong posisyon sa trabaho, may mga applicable policy na dapat mong sundin para magkaroon ka ng graceful exit. Tandaan, ang company policy ng isang kumpanya ay aprubado ng Department of Labor and Employment.

2. Maging tapat during the job interview.

Kung tinanong ka kung may notice period ka, magsabi ka ng totoo kung ilang araw ito upang malaman kung magma-match ka sa inaaplayang kumpanya. Kung sasabihin ng company that you need to join them 2 weeks after accepting the offer, check mo if possible to negotiate para makapag-resign ka nang maayos. Kung gusto ka talaga ng magiging bagong employer mo, surely papayag sila sa hinihingi mong flexibility.

3. May mga unused leaves ka pa? Pwede mo gamitin ito kung sakaling tatanggapin ang resignation mo.

4. Attend an exit interview sa aalisang kumpanya para mabigyan ng clearance.

May mga ibang aplikante na ini-skip nila ito sa akalang balewala lang ito. Honestly speaking, this is a chance for the employer to know if may kailangan silang i-improve sa kanilang policy at relationship with the employees.

5. Huwag mag-iwan ng liabilities.

Gumawa ng proper turn-over para sa magiging kapalit mo. At the end of the day, you are leaving them with the impression na isa kang propesyunal at talagang maayos na empleyado.

6. Lastly, give respect to the company that previously hired and trusted you with the position.

Do not badmouth them during the job interview. Tandaan mo, may reference check na ginawa pag ikaw ay gusto nang i-hire. Pero just the same, badmouthing your current employer is not leaving a good impression.

Syempre alam mo naman na na-hire ka ng kasalukuyang kumpanya kung saan ka nagtratrabaho ay dahil sa capabilities at skills mo. Ngunit tatandaan nyo, nagtiwala sila sa inyo in the first place at kahit paano nabuhay ka sa sweldong ibinigay sa iyo, plus marami ka rin natutuhan na nag-upgrade ang skills mo.

As the title of the article says “don’t burn bridges”; you’ll never know na balang araw pwede kang bumalik sa kanila.

Till our next column.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]