Dalawang beses ikinasal, kakasuhan ng misis

ANG usaping love life ay hindi lang talaga tungkol lang sa lagay ng iyong puso. May mabigat na tungkulin ito at kaakibat na batas na magbibigay proteksyon sa iyo at sa iyong minamahal.

Hindi lang puro love, love, love. May mga legal na usapin din ang nakapaloob dito lalo na kung may nadedehado o naloloko na party.

Kaya tingnan natin ang kaso nitong si Martin na dalawang beses ikinasal kung kayat nahaharap sa posibleng kaso ng bigamy.



Dear Atty. Stella,

Dalawang beses na po akong kinasal pero yung unang kasal ko po ay hindi naman napawalang bisa. Ngayon po, sasampahan daw po ako ng kasong bigamy ng una kong asawa. Pero may kinakasama na rin pong iba ang dati kong asawa. Ano bang pwede kong gawin?

Martin ng Mandaluyong


Dear Martin,

Nakasaad sa Family Code of the Philippines na void ab initio o walang bisa mula sa simula ang kasal na kung tinatawag ay bigamous o yung entered into while there is a prior subsisting valid marriage. Maliban na lamang sa mga pagkakataon na ang unang asawa ay presumed dead na naayon sa Article 41 ng nasabing batas.

Sa iyong kaso, Martin, without proof that your first marriage was annulled or nullified, o kung hindi naman presumed dead ang iyong unang asawa nang ikaw ay ikinasal muli, ang iyong pangalawang kasal ay walang bisa sa simula’t sapul.

Bago ikasal muli ang isang tao na validly married, nararapat lamang na mapatunayan muna na ang unang kasal ay napawalang-bisa na sa pamamagitan ng pagpapakita ng judicial decree of the absolute divorce, o kaya naman judicial decree of annulment o ang declaration of nullity ng unang kasal.

Atty. Stella


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]