Welder dedbol sa septic tank

PATAY ang welder nang ma-suffocate sa loob ng ginagawang septic tank sa Brgy. Poblacion, Dumanjug, Cebu.

Kinilala ang nasawi na si Mark Eniego, 28, residente ng Brgy. ­Kanguha, Dumanjug.

Ayon sa ulat, nagtatrabaho sa loob ng septic tank sina Eniego at Jerome Merenillo alas-9 ng umaga noong Martes nang sumingaw ang kemikal. Nawalan ng malay ang dalawa kaya sinubukan silang iligtas ng mga kasamahan.

Halos himatayin din ang mga magre-rescue dahil sa masangsang na amoy kaya kinailangan munang pasingawan gamit ang blower. Dead on arrival sa ospital si Eniego habang ginagamot pa si Merenillo.

Sinabi ng doktor na nasawi ang biktima sa acute respiratory distress secondary to toxic inhalation injury.