Truck tumagilid; 5 todas

LIMA ang nasawi at 16 ang nasugatan makaraang tumagilid ang sinasakyan nilang Elf truck sa Talaingod, Davao del Norte noong Linggo ng umaga.

Ayon sa pulisya, tatlo sa mga nasawi ay mga menor de edad.

Dead-on-arrival sa pagamutan ang limang biktima dahil sa mga tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan.

Patungo sa beach resort sa Mabini, Davao de Oro ang truck, kung saan sakay ang 25 pasahero, nang mawalan ito brake habang binabaybay ang mga pakurbang daan.

Nabuwal ang sasakyan malapit sa isang creek at naipit ang karamihan sa mga sakay nito.

Agad sumaklolo ang residente at dinala sa Kapalong District Hospital ang mga nasugatan pero lima sa mga ito ay hindi na naisalba ng mga doktor. Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang insidente.