Truck nakanal; 1O baboy tigok

NAPAAGA ang pagkamatay ng 100 baboy na idedeliber sana sa mga katayan sa Metro Manila nang tumagilid at mahulog sa kanal ang sinasakyan nilang truck sa Malungon, Sarangani Province nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa ulat,  hindi nakayanan ng sasakyan ang bigat ng kargada nito kaya tumagilid sa pataas na bahagi ng highway sa pagitan ng mga barangay Nagpan at Malandag.

Nadaganan ang marami sa mga baboy at nasawi noon din. Nasa 40 ang nakaligtas sa insidente bagaman nanghihina na umano ang mga ito. Hindi na tumuloy ang driver at kanyang mga pahinante sa biyahe at bumalik na lang sa Tupi, South Cotabato.