NASAWI ang dalawang piloto ng Philippine Navy (PN) ang nasawi matapos bumagsak ang kanilang sinasakyang training aircraft sa Cavite ngayong Huwebes.
Sa kalatas, sinabi ni PN spokesperson Capt. John Percie Alcos, nag-crash ang Robinson R-22 trainer helicopter na may tail number NHT-421 sa Cavite City Public Market alas-6 ng umaga.
Sinubukan umanong mag emergency landing ang eroplano ngunit tuluyan itong bumagsak.
“Said aircraft, which took off from Sangley Airport, was conducting a training flight with two officer pilots onboard. The pilots were rushed to nearby hospitals by the responding teams from the Philippine Fleet and Naval Air Wing, but it is unfortunate that they were not able to make it,” ayon kay Alcos.
Iniimbestigahan na ang dahilan ng crash.
Ang bumagsak na R-22 aircraft ay ang kahuli-hulihang unit ng PN.