Site icon Pinoy Publiko

Survey: Pinoy Workers Party-list nangunguna sa Roxas, Palawan

NANGUNGUNANG party-list ang Pinoy Workers Party-list sa pinakabagong survey na isinagawa ng Island Press Association of Palawan (IPAP) nitong Mayo 1.

Sa tanong na “If the elections were held today, whom would you most probably vote for… partylist?” mahigit 22 porsyento ng mga respondents ang sumagot ng “Pinoy Workers Party-list.”

Ang survey ay ginawa sa 360 rehistradong botante mula sa 16 na barangay ng Roxas, katuwang ang iOptions Ventures Corp.

Lumabas din sa survey na kabilang ang Pinoy Workers sa mga pinakanaaalalang party-list ng mga residente, at isa rin sa mga grupong kinilalang totoong tumulong sa komunidad.

“Hindi lang pangalan ang maalala, kundi yung actual na tulong na naramdaman namin,” pahayag ng isang respondent.

Bukod sa Pinoy Workers, lumitaw din sa survey ang mga grupong TUPAD (29%), 4Ps (27%), at SENIOR CITIZENS (14%) — mga party-list na kapangalan o kahawig ng mga programa ng gobyerno, kaya na nagdulot ng kalituhan sa ilang botante, ayon sa IPAP.

Ang bayan ng Roxas ay may kabuuang 45,968 rehistradong botante para sa 2025 elections — o 7.6% ng kabuuang voters sa Palawan. Isa ito sa mga vote-rich area ng lalawigan, panglima sa pinakamalaki at ikalawa sa sariling distrito. Noong 2022, pumalo sa 86.4% ang voter turnout sa bayan.

Exit mobile version