NAMATAY habang ginagamot sa ospital ang siyam na taong gulang na bata na nadikitan ng salabay sa mukha at kilikili sa Aborlan, Palawan.
Ayon sa pulisya, naliligo sa dagat sa Brgy. Tigman ang bata noong Sabado nang kapitan ito ng salabay.
Agad na naitakbo sa pagamutan ang bata pero kumalat na ang lason ng dikya sa katawan nito.
Hindi sinabi sa ulat kung anong klase ng jellyfish ang kumapit sa bata pero maaaring Chironex fleckeri ang uri ng dikya na responsable sa pagkamatay nito. Kilala rin bilang sea wasp, ang C. fleckeri ang pinakamapanganib na dikya dahil sa lason nito.