INAMIN ng isang janitor na siya ang may kagagawan ng sunog sa eskwelahan na tumawid sa bahay ng alkaldeng si Renato Gustilo at kanyang lolo sa may Ylagan street sa San Carlos City, Negros Occidental.
Sa ulat ng CDN, nangyari ang sunog noong Hunyo 14 sa Daisy’s ABC School. Nadamay rin sa sunog ang bahay ng opisyal at kanyang lolo sa compound na pag-aari ni Gustilo.
Sa ulat ng pulisya, inamin umano ng 58-anyos na janitor na nagalit siya matapos malaman na sisibakin siya sa trabaho simula Hunyo 15.
Kinilala ang janitor sa alias na Rec.
Ayon pa sa pulisya, bumili ang suspek ng isang galon ng gas sa loob ng stockroom ng eskwela at saka sinindihan ng kandila.
Ang eskwelahan lang anya ang gusto niyang sunugin at hindi ang bahay ng alkalde.
Sumuko ang suspek nitong Sabado, Hunyo 15.