Ninakawan ng gagamba, Grade 7 student nagpaputok sa classroom

NASAKOTE ang Grade 7 student ng isang public school sa Dumaguete City, Negros Oriental na nagpaputok ng baril makaraang manakaw ang kanyang gagamba nitong Biyernes.

Nai-turn over na sa mga social workers ang 12-anyos na estudyante.

Wala namang nasaktan sa insidente.

Base sa pagsisiyasat ng pulisya, inilabas ng menor de edad ang itinatago niyang kalibre .45 baril nang madiskubre na nawawala ang gagamba niya.

Lumakad patungo sa bintana ang bata at sa labas ipinutok ang baril.

Sa takot, nagtakbuhan ang mga kaklase mula sa classroom na nasa ikatlong palapag.