Mayor Alice Guo ‘missing’ sa flag-raising

HINDI dumalo si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa flag-raising ceremony municipal hall Lunes ng umaga (Mayo 20, 2024).

Nagtipon-tipon ang mga empleyado at tagasuporta ni Guo sa labas ng gusali ilang minuto bago ang flag-raising ceremony.

Wala namang paliwanag ang munisipyo sa pagiging “missing in action” ng alkalde sa lingguhang event.

Pero bago ito, inirekomenda sa Ombudsman ng Department of the Interior and Local Government na isuspinde si Guo dahil sa umano’y kaugnayan nito sa illegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa kanyang bayan.