Mag-asawang senior todas sa taga ng kapitbahay

DEAD on the spot ang mag-asawang senior  citizens na tinaga ng kanilang lasing na kapitbahay kamakailan sa Pinukpuk, Kalinga.

Kinilala ni Capt. Ruff Manganip, Kalinga police spokesperson, ang mga nasawi na sina Ruben Dangiwan, 65, at misis niyang si Apolonia, 63, mga residente nflg Sitio Magtanga, Brgy. Wagod.

Ayon sa ulat, nag-inuman ang suspek at ang mag-asawa. Nang malasing, kinumpronta ni Ruben ang kainuman kaugnay sa umano’y relasyon nito sa kanyang misis.

Nagdilim umano ang paningin ng suspek, kumuha ng itak at pinagtataga ang mga Dangiwan.

Nagtamo ng 11 sugat si Ruben at 13 si Apolonia. Tumakas ang suspek matapos ang insidente pero sumuko rin makaraan ang ilang oras. Nahaharap siya sa kasong double murder.