Lola tinortyur, binalutan ng plastic sa ulo

PATAY ang 65-anyos na babae na tinortyur umano ng kanyang manugang sa Trece Martires, Cavite.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, blunt force trauma to necj ang ikinamatay ng biktima.

Pero maliban sa hampas sa leeg ay katakot-takot na pahirap ang dinanas ng ginang, ayon sa pulisya.

Nadiskubre ang katawan ng biktima sa kanyang bahay sa Brgy. Aguado ng mismong anak niya.

Sinabi ng anak na nakagapos ang mga kamay ng kanyang nanay at puro pasa ang katawan at nakabalot ang ulo nito sa plastik.

Bago ang insidente, kinumpronta ng biktima ang manugang na lalaki na sinanla umano ang laptop ng kanyang apo.

Tinutugis na ng mga otoridad ang suspek na tumakas makaraan ang pagpatay.