LGBT member nasawi sa pagrampa sa catwalk

HINDI na umabot nang buhay ang isang miyembro ng LGBT community makaraan itong mag-collapse habang rumarampa sa fashion show sa Cagayan de Oro City mall nitong Linggo.


Isasailalim sa otopsiya ang katawan ni Randy Santos, makeup artist at residente ng Brgy. Agusan sa naturang lungsod.


Base sa video na kuha sa event, palabas na ng stage si Santos makaraang irampa ang suot na damit nang bigla nitong hawakan ang ulo at bumagsak sa sahig.


Binawian ng buhay ang biktima bago pa makarating sa pagamutan.


Napag-alaman na bago lumakad sa stage ang humingi pa ng tubig ang biktima.
Sinabi ng ate ni Santos, may hypertension ang kapatid.