Lapu-Lapu City na-scam ng ‘talent manager’

INAMIN ni Lapu-Lapu City Mayor Junard “Ahong” Chan na nadenggoy ang siyudad ng isang indibidwal na nagpakilalang may konek sa mga singers na sina Yeng Constantino and TJ Monterde.

Bago ito, inanunsyo ng Lapu-Lapu City na mapapanood sina Yeng at TJ sa concert na inorganisa ng lokal na pamahalaan para sa taunang piyesta sa November 21.

Pero sa Facebook post, sinabi ng Cornerstone Entertainment na namamahala kina Yeng at TJ na walang natanguang commitment ang dalawa para mag-perform sa event.

Klinaro rin ng Cornerstone na hindi konektado sa kumpanya ang indivlbidwal na kinausap ng Lapu-Lapu City para kunin ang services ng dalawang singer.

Ayon kay Chan, nakapagbigay na sila ng downpayment sa scammer.

Pinaghahanap na ang suspek na sasampahan ng kaukulang reklamo, dagdag ng alkalde.