Lalaki kinatay nanay, tatay saka nagkitil

MAKARAAN patayin ang mga magulang, nagbigti ang lalaking taga-Sitio Batangas sa Tanay, Rizal, nitong Lunes.

Pasado alas-9 ng gabi nang magwala ang suspek at sinakal ang kanyang ina, 67.

Makaraang mapatay ang ina ay pinagtataga ng itak ang ama, 69.

Sinubukang awatin ng kapatid ang suspek pero maging ito ay hinabol ng taga. Nang balikan ng kapatid ay wala na ring buhay ang suspek na nagbigti sa loob ng bahay.

Ayon kay Lt. Norman Cas-oy, Tanay police chief,  may diperensya sa pag-iisip ang suspek.

“Nag-suffer siya from depresyon at may epilepsy pa,” ani Cas-oy.